Grupong Kul
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Grupong Kul

The forum of computer wizards
 
HomePortalLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 Computerminator

Go down 
AuthorMessage
Alfred007
Moderator
Moderator
Alfred007


Posts : 297
Join date : 2009-06-11

Computerminator Empty
20110430
PostComputerminator

Computer at Internet - Naging bahagi na ng buhay ng nakararami sa atin. Para sa iba, bahagi lang ng hanapbuhay. Kabataan ang karaniwang nahuhumaling ngayon sa computer at internet, at hindi imposibleng mapalitan na ng computer ang iba't ibang bagay sa susunod na henerasyon dahil sa kaadikan ng kabataan ngayon sa computer.

Sa pagputok ng friendster, mga anim na taon mula ngayon ang lumipas, lumaki ang bilang ng mga computer literates (o Friendster/Facebook Literates) sa ating bansa. At dito sa asya, ang bansa natin ang may pinakamalaking bilang ng users ng Friendster. Taong 2008 unti-unting naglaho ang mga gumagamit ng Friendster at lumipat sa Facebook. Dahil dito, napilitan ang Friendster na gayahin ang features ng facebook upang may matira sa users nila pero hindi pa rin nito nadaig ang facebook. Tuluyan nang naging mananakop ang Facebook at dumami ang users hanggang sa hindi na alam ng mga bagong silang sa mundo ng internet ang salitang Friendster. Nanatili pa rin naman ang Skype at YM kahit may chat na ang Facebook. Ang Youtube, patuloy pa rin sa pamamayagpag sa pagbo-broadcast ng mga video ng mga mahilig magkalat sa internet. Kung titingnan natin, ang mga kumpanya na iyan ay patuloy na kumikita, patuloy na lumago habang ang istilo ng pamumuhay natin ay kanilang binabago at pinapalitan.

Kung dati sa kalsada maraming batang paslit na pakalat-kalat at naglalaro ng mga larong tulad ng tumbang-preso, ngayon nagsisiksikan na sa mga computer shop at naglalaro ng mga online games. Dati kung magusap ang mga tao ay ganito, "Ano nga palang gagawin mamaya?" "Tawagan na lang kita mamaya.", na naging, "Text kita mamaya.", na ngayon ay naging " Online ka ba mamaya? Chat na lang o kaya i-message kita.". Noon ang mga mag-aaral ay nagkikita-kita pa upang magsaliksik sa mga silid-aklatan, ngayon isa na lang ang gumagawa tapos kanya-kanyang bayad sa paprint. Maingat na binabago ang font style at pangalan upang hindi masyadong mahalatang isa lang ang pinagkunan ng kanilang ipapasa. Noon tayo ang naghahagilap ng impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay, ngayon tayo na mismo ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga sarili natin. Dahil sa social networking sites, ineexploite natin masyado ang ating mga sarili sa kapahamakan. Hindi lang iyan, marami pang binabago ang computer sa ating pamumuhay tulad ng paghahanap ng trabaho, produkto, kausap, pati na rin aliw at asawa.

Meron akong napanood sa isang programa sa TV tungkol sa isang batang sinasaniban na ng demonyo dahil sa kaadikan sa DoTA mula nang siya ay mabiyayaan ng laptop. Mula paggising hanggang bago matulog, siya ay naglalaro. Halos hindi na kumakain makapaglaro lamang ng walang humpay sa harap ng laptop. Hanggang sa humina ang kanyang resistensya at pinasukan na ng demonyo ang kanyang katawan, tumawag na ng pari ang kanyang magulang at ipinagamot ito sa pamamagitan ng panalangin. Nang mapanood ko iyon, nasabi ko sa sarili ko, buti kumakain pa ako kapag naaalala ko, kundi siguro dinedemonyo na rin ako.

Maraming magagandang bagay ang naidudulot sa atin ng computer at internet, ngunit huwag natin ipagsaalang-bahala ang masasamang bagay na naidudulot nito. Maaaring sa isang banda ay napagiginhawa nito ang ating buhay, ngunit hindi natin alam na habang nililibang natin ang ating sarili, sinirira na pala nito ang ating kinabukasan, inilalagay tayo sa panganib at sinasayang na pala nito ang ating oras habang tayo ay nabubuhay.

Back to top Go down
Share this post on: reddit

Computerminator :: Comments

No Comment.
 

Computerminator

Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Grupong Kul :: GK Section :: GK Blog-
Jump to: