Grupong Kul
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Grupong Kul

The forum of computer wizards
 
HomePortalLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 Ang Pagiging Illiterate

Go down 
AuthorMessage
Alfred007
Moderator
Moderator
Alfred007


Posts : 297
Join date : 2009-06-11

Ang Pagiging Illiterate Empty
20110430
PostAng Pagiging Illiterate

Read more articles here


Ang Pagiging Illiterate
By Jay Ocampo

Ang pagiging illiterate, bow. Ilang taon lamang ang lumipas at nauso na sa aming magkakaibigan ang salitang illiterate na kadalasang
ginagamit naming pantukoy sa mga taong naguubos ng oras sa friendster at YM. Ops ops ops, hindi naman absolutely ang mga taong naguubos ng oras sa mga
bagay na tulad ng mga ito ngunit parang ganun na nga. Nasa exceptions ang mga gumagamit ng friendster at YM sa tamang paraan o sa paraan na hindi nasasayang
ang iyong oras dahil lamang sa mga bagay na walang kwenta, tulad na lamang ng paglalagay ng walang kamatayang comments na wala namang katuturan at paggamit
ng Yahoo Messenger (meaning ng YM para sa mga illiterate) sa kalandian. Kabilang sa mga sites ng batayan ng pagiging illiterate ang myspace, facebook, imeem,
friendster at kung gagawin mong homepage ang yahoo. Kung ginagamit mo ang mga ito sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay, tatawagin ka naming illiterate. Ito ay
sapagkat sa kadahilanang may dahilan na katulad nito, hindi lamang friendster ang laman ng internet. Maaari kang mag-explore sa kasuluk-sulukan ng net at hindi lamang
kalandian ang maaari mong gawin sa YM. Ang mga taong may mga computers na halimaw ang specs(meaning, specifications) ng hardware(mga piyesa ng CPU) ay malayang aahhhh,
in english, imaximize ang gamit at gawin itong instrumento ng pagtuklas ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa computer na KADALASANG hindi alam ng mga illiterate.
Nang sa gayon ay hindi ka na illiterate.

Inaamin ko na kami(espesyali ako) ay mga illiterate din noon. Ngunit nang tumingin kami sa kinalalagyan namin ngayon at ikinumpara ito noon, nalaman namin na
malayo na ang aming nalaman nang magpumiglas kami sa pagiging illiterate. Dati rin akong suki ng youtube at friendster at nakakapag 2 hours pa nga ako ng pagiinternet
para lamang gumawa ng playlist sa imeem at ilagay sa profile ko sa friendster. Laking tuwa na namin noon nang makapagdownload kami ng video sa youtube at nagagawa pa
namin na magcutting para lamang makapag-marjos(refer to high's kul.. life 1 and 2) at magdownload ng videos o manood sa youtube. Pero nang matuto ako ng husto sa pagkokompyuter
at nalaman ko ang mga basics, nagsimula na akong magdownload ng pirated softwares at maadik sa bisyong nagdala sa akin sa ospital ng ilang linggo dahil ako
ay nagka-TB(yung pinag-rerentan ko kasi ng internet maraming naninigarilyo, sa bulok yun).At syempre marami na rin akong nagawang pagkakamali(as always) at ilang beses na rin akong
nakapagformat(ng PC namin). Kung hindi mo gustong tumuklas ng bagay na hindi mo alam,hahayaan mo itong habang buhay na hindi mo alam. Kung iiwasan mong kumilos ng kumilos at
magsalita nang magsalita, maiiwasan mo ang pagkakamali, pero maiiwasan mo rin matuto. Teka, wala na ito sa topic ko....

Alam kong may mga taong matatamaan sa mga pinagsasabi ko ngunit hindi ko intensyon na manakit ng damdamin ng kapwa. Ang gusto ko lamang na ipahiwatig sa tekstong ito
ay iwasan maging kuntento sa mga bagay na alam mo na dahil marami ka pang bagay na dapat mong malaman. In short, huwag kang magpaka-illiterate habang buhay. Pero kung nais mong
manatiling bata, manatili kang bobo at tanga.. Dahil ang mga bata ay kulang pa ang nalalaman tungkol sa mundong kanyang ginagalawan.Ikulong mo ang sarili mo sa paglalaro ng online games
dahil kapag gumuho ang internet, kasabay nitong guguho ang mundo mo.

Back to top Go down
Share this post on: reddit

Ang Pagiging Illiterate :: Comments

No Comment.
 

Ang Pagiging Illiterate

Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Grupong Kul :: GK Section :: GK Blog-
Jump to: