Grupong Kul
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Grupong Kul

The forum of computer wizards
 
HomePortalLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 "Naholdap Kasi Ako..."

Go down 
AuthorMessage
Alfred007
Moderator
Moderator
Alfred007


Posts : 297
Join date : 2009-06-11

"Naholdap Kasi Ako..." Empty
20110517
Post"Naholdap Kasi Ako..."

Naholdap Kasi Ako

Una sa lahat, pinasasalamatan ko si manong drayber na nagpasakay sa akin kahit wala na akong

pera. Kundi ay uuwi akong naglalakad at malapit sa kapahamakan.

2:00 AM na at wala pa rin nagtatawag sa akin sa DJ's Booth para isabay ako sa pag-uwi. Kaya

naman nagpasya akong umuwi na lamang mag-isa mula sa Music Avenue. PhP 12.00 na lang ang

natitira kong pera, at kailangan ko iyon pagkasyahin sa dalawang sakay (Isetan to Divisora +

Divisoria to Herbosa). Paglabas ko ng bar, nakatatakot maglagad at pakiramdam mo ay

minamanmanan ka ng mga holdaper. Buti na lang at nakarating ako ng ligtas sa sakayan ng

Divisoria sa tapat ng Isetan. Ibinayad ko ang sampu, may sukling dos, plus dos ikwals apat

na piso na lang ang pera ko. Naisip kong maglakad ngunit mapanganib na ideya iyon, kaya

pagdating sa sakayan ng Velasquez sa Juan Luna St., tsumempo ako sa drayber at kinausap ko

siya.

Ako: Manong baka pwedeng kwatro na lang, sasabit na lang ako.
Drayber: Saan ka ba?
Ako: Sa herbosa lang, sasabit na lang ako, naholdap kasi ako eh.
Drayber: Oo sige sabit ka na lang.
Ako: Ah, sige eto bayaran ko na, naholdap kasi ako eh. Salamat!

At sumakay na ako sa dulo ng dyip. Pinatay ko ang aking cellphone upang hindi mahalatang

hindi talaga ako naholdap, at inilagay ko ito sa aking bag. Nang malapit nang mapuno ang

jeep, pumwesto na ako para sumabit, ngunit pinapasok ako ng drayber. Marahil dahil baka

hulihin siya ng pulis sa kasong overloading kahit 'di pa naman puno (May hinuli kasing

dalawang nakamotor na kahina-hinala at mukhang hholdapin ang jeep namin, nakaabang sa

likuran ng jeep)

Mga ilang minuto rin akong naghintay upang mapuno ang jeepp. Ayan at nakaalis na. Habang

nasa jeep, inisip ko 'pag bumaba ako, magpasalamat ako ulit. Ngunit nang pumara na ako, di

na ako nakapagpasalamat ulit - bagay na kinahihinayangan ko. Dahil baka iniisip no'n ngayon,

nanloloko lang ako. Sa aking pagbaba, nasabi ko na lang, dapat nag-thank you ako sa kanya

ulit, dahil kung hindi sa kanya hindi ako makauuwi ng maayos.

Pang-apat na beses ko na itong ginagawa ('yung magbabayad ng kulang sa jeep pero alam ng

draybert), pero ngayon ko lang nagamit ang natutunan kong 'Frame-setting' mula sa

Social-Engineering.Org podcast. Sana ay maging maunlad ang buhay ng drayber na iyon sa

kanyang buhay pagmamaneho at gumanda ang kanyang kita sa araw-araw.
Back to top Go down
Share this post on: reddit

"Naholdap Kasi Ako..." :: Comments

No Comment.
 

"Naholdap Kasi Ako..."

Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Grupong Kul :: GK Section :: GK Blog-
Jump to: