Grupong Kul
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Grupong Kul

The forum of computer wizards
 
HomePortalLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 Sira ba ang PC mo ? Tara Format natin..

Go down 
AuthorMessage
Niero
Admin
Admin
Niero


Posts : 219
Join date : 2009-06-13

Sira ba ang PC mo ? Tara Format natin.. Empty
20121218
PostSira ba ang PC mo ? Tara Format natin..

Madalas masira ang mga
kompyuter nadyan na bigla na lang di
gumagana ang sounds di na gumagana ang games at mga program na hindi na
nagbubukas.Pero OK lang yan hanggat natitiis mo pa,pero kung naapektuhan na
talaga ang mga gawain mong napakaproductive katulad nang pagpepeysbuk at
pagtetetris ay teka ibang usapan na yan kaya kailangan nang ipareformat este
ipagawa yan sa katiwa tiwalang PC technician.Maraming uri ng pc technician sa
di mo inaakala kaya nandito ang entry na ito upang iklasify sila base sa mga
categorya at level na pasok sa bulsa mo! ,Magsimula muna tayo sa level 1.





LEVEL 1: Totoy
Software

=> si totoy installer ay isang pc technian na hoarder nang kung ano
anong mga installer. Halos lahat nang software sa softpedia ay nasa kanya na nandyan nakolekta nya narin lahat ng anti
virus mula webroot hanggang bitdefender.Adik sya sa kakainstall para mapataas pa ang minimum na ibabayad sa
kanya ito lamang ay kung hindi mo siya pinakain nang meryenda.Marunong siya
nang minimal optimizations tulad nang Ram defrag at registry defrag na di naman
talaga kailangan. Bukambibig nya rin sa kliente na original at geniune ang
kanyang mga installer na kadalasan ay nauuto naman.Software level ang approach
nya sa lahat nang problema nandyan ang sunod sunod na pag iinstall at patong
patong na antivirus upang mahuli lamang ang malware na kadalasan hardware
pala ang sira. Madalas natutuwa ang mga kliente dahil sa dami nang games
na inininstall nya mula sa bigfish at popcap pero dahil na rin sa lahat nang kanyang
software ay bundled with toolbars kaya
bumabagal ang desktop performance nang kliente.Di naman kamahalan ang singil
nang taong ito below minimum naman ang kanyang singil (PHP 200 or PHP 250 + PHP 100 pag may addtional software) pero humanda ka dahil pageexperimentuhan nya
sa install ang iyong computer.Kapag ang
pagiinstall nang kung ano anong software ay di gumana isasagawa nya na ang kanyang huling alas at
yon ay ang pagrereformat.





LEVEL 2: Baklas kabit
A.K.A : Totoy Reseat


=> Si totoy Reseat
naman ay mayroon nang karanasan sa pagbaklas nang sariling PC. Halos lahat nang
problema para sa kanya ay dala na nang alikabok at dumi.Kompleto sya sa gamit
sa pagbaklas sa PC mula sa Philips screwdriver at eraser. Ang kanyang
methodology sa pagaayos nang pc ay napakaloob sa pagrereseat nang mga komponents. Baklas Linis
Is-is tapos kabit luwag kiskis linis kabit
yan ang kanyang methodology para makatsamba nang post ang system.
Kadalasang di gumagamit nang proteksyon sa static at di alam ang konsepto nang
grounding kaya may tsansang masira ang iyong pinakamamahal na hardware sa
“ESD”.Medyo normal to medium lang ang singilan ni totoy reseat depende yon sa
oras nang kaka trial and error nya sa sira at kung medyo di naman karumihan ang
iyong desktop. Tipikal lang na singilin ka nya nag PHP 300-400 dahil
kapanipaniwala naman na mukang mahirap talaga ang kanyang ginawa.





Level 3: Totoy Taga


=> Si totoy taga ay pinagsamang version ni totoy
reseat at totoy software.Moderate ang level ang alam nya sa software at
hardware at mayroon syang kakayahan na pagsamahin ito.Kadalasan ay hanggang
dito na lang siya dahil sa masyadong pagkabilib sa sarili at tila kinain na
nang sariling kayabangan. Nagagawa nya naman nang maayos ang trabaho nya at
masasabi mo na quality sya gumawa.Kadalasan inuuna nya munang tapusin ang
pagaayos sa pc bago makipagusap sa presyo para di na makapalag ang may-ari.
Kapag dumating na ang oras nang singilan ay tila ba nagiging aspalto ang muka
sa pagiging garapal nandyan na kahit pinakain mo na nang meryenda ay tatagain
ka parin.Kahit simpleng format at upgrade lang nang driver ay tila ba
pumapantay sya sa level sa certified technician na mayroong troubleshooting
fee.Maski format lang naman ang ginawa ay tatagain ka parin ang tipikal na singilan nang mga technician na
ito ay pumapalo sa PHP 500 pataas depende sa hirap nang pinagawa.





Level 3.2 : Totoy
Kahoy


=> Si totoy kahoy ay isang strain /sub specie ni totoy taga with malicious intent. Kadalasan ito yung technician
na namimili nang mayayamang kliente yung mga tipong de-aircon at kotse. Madalas
kung saan saan sya napapadpad dahil dito ay nagpapapickup pa siya sa kanyang
kliente para makaranas nang libreng pamasahe. Mayayaman ang kanyang target
dahil kadalasan ito yung mga hunghang na may pera nga wala namang kaalam alam
sa komputer kaya madaling utuin.Ang kanyang modus operandi ay palitan /
“KAHUYIN “ ang pyesa mula sa computer na
pinapaayos papunta sa kanyang
personalized RIG.Nagsimula lamang sa pinagtagpitagping Pentium 4 ang kanyang
computer noon pero ngayon ay naka i5 na ang loko with matching SLI / CROSSFIRE pa!!! .Papaniwalain nya ang
kliente na sira talaga ang pyesa at kakailanganin na bumili nang bago sa gilmore
pero sa secondhand shop pupunta ang gago.Hihingin nya ang pyesa pagkatapos nang
transaction dahil iisipin naman nang mayari na sira ito at di na
gumagana.Galante rin ang bayad sa kanya dahil sa mayaman ang klient kaya
tinataasan nya ang kanyang presyo sa 4 digits (PHP 1000-1500) pero madalas mas mataas pa ang nakukuha nya
rito.





Level 4: De Facto Certified Technician


=> Ang ganitong klaseng mga technician ay above
average na marunong sa software at
hardware.Kadalasan sa self-study nya lamang natutunan ang mga alam nya sa pagaayos
nang computer at ang kanyang mentor ay ang website nang google. Mayroon syang
sinusunod na troubleshooting steps sa kanyang pagawa at kompleto rin sya sa
gamit mula sa anti static wrist strap,multi-tester,screwdriver sets ,PC beep
speaker, thermal compound at mga spare parts.Marunong rin sya sa moderate
optimizations sa software at konting overclocking techniques sa hardware
.Napagbabalance nya ang dalawang aspeto nang komputer kaya mapagkakatiwalaan na
sa kanya mo ipaayos ang komputer.Ang mga singilan nang taong ito ay nasa PHP
300 –PHP 450 pesos depende sa sira pero kung mabait naman at kakilala ay may
tyansa na makalibre ka sa kanya.








Level 5: Certified
Technician


=>
Ito yung mga taong nakatikim nang certification seminar kaya naatain ang
titulo nang certified technician.Kadalasan ay nasa agency sila at tinatawagan
lamang nang mga kumpanya kapag kinakailangan. Inclined sila sa ibang scenario’s
at sira nang komputers dahil narin sa dami nang kanilang mga ginagawang
computers on a daily basis.Ito yung mga klase nang technician na masasabi mo na
experienciado talaga at alam nila ang kanilang ginagawa maximum satisfaction ang magagarantiya nila
sa kanilang serbisyo. Dahil narin sila ay nakakontrata kaya fixed ang bayad sa
kanila na dumadaan muna sa agency kadalasan ay bawal silang tumangap nang
sideline dahil narin sa kontrata sa
agency.



Level 6: Electrical PC tech


=> Ito mga taong nakikita mong nagseservice sa inyo
nang ilaw,electric fan at T.V na kahit
ano na atang electrical appliance ay kaya nilang gawin.Iilan lamang sila na di
natakot pasukin ang mundo nang digital at nag aral parin nang magayos nang komputer.Kadalasan
tinatawanan ang mga kapwa technician dahil na rin sa parang lego lang ang
pagaayos nang komputer na sobrang dali lang nito para sa kanila.Di man sila
ganon kagaling sa software dahil ang kadalasan lang nilang alam ay ang
pagiinstallng software ay bawing bawi naman sila sa hardware nandyan na kaya
nilang bumuhay nang patay na mobo at video card sa pamamagitan nang pagpapalit
nang Capacitor (PCB board at Component Level Repair) nandyan na kaya nilang
magjumper nang copper traces sa motherboard ,reflow soldering at umintindi nang
kumplikadong schematic at kung ano ano pang kalokohan na mamangha kang talaga.Ang
bayad sa kanila ay medyo di naman ganon kamahal kung sa aakalain mo tatanchahin
din nila ang stado mo sa buhay at naisip mong magpagawa sa kanilang mga
beterano nasa PHP 600 pataas ang
kanilang singilan.








At ngayon nalaman mo na ang mga uri
ng PC technician ay malaya ka nang mamili kung kanino magpapagawa nasa-saiyo na
yan kung pasok ba sa budjet mo at kung may kakilala kang mapagkakatiwalaan na
gagawa.Pero kung intersado kang pasukin ang trabahong ito ay masasabi kong
huwag na dahil marami na kami ayaw nanamin madagdagan pa ang kakompetensya.

..
...
ps: Gumagawa rin ako baka gusto mong magpareformat mura lang discounted na name
your price.
Back to top Go down
Share this post on: reddit

Sira ba ang PC mo ? Tara Format natin.. :: Comments

No Comment.
 

Sira ba ang PC mo ? Tara Format natin..

Back to top 

Page 1 of 1

 Similar topics

-
» Locked na ang forum natin

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Grupong Kul :: GK Section :: GK Blog-
Jump to: